PCG tinimbrehan kung may oil spill sa Calapan
MANILA, Philippines – Sinisilip na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang katubigan ng Oriental Mindoro kung may tumagas bang langis mula sa isang insidente kahapon kabilang ang roll-on-roll-off (RORO) na barko.
Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Lt. Cmdr. Armand Balilo, pinapunta na nila ang BRP Davao del Norte at isang oil spill response team sa pinangyarihan ng insidente kung saan nailigtas ang 52 pasahero ng M/V Baleno 168, isang RORO na barko.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natanggal ang elisi ng barko matapos nitong mag maneobra sa pier.
Pinagpapasa ng plano ang may-ari ng M/V Baleno, ang Besta Shipping Lines sa PCG kung paano papipirmihin ang barko na nakalubog ang kalahati nito sa Calapan Pier. – Jovan Cerda
- Latest
- Trending