MANILA, Philippines – Hindi mga dokumento ang habol ng isang magnanakaw na nanloob sa opisina ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, ayon sa Makati police ngayong Lunes.
Sinabi ng hepe ng Makati Police na si Sr. Supt. Manuel Lukban na walang nabawing dokumento mula sa suspek na si Hilbert Mongkano, 22, ng 601 ABA Building, Barangay Pinagkaisahan, Makati City.
“With the items recovered from him, the real intention was just to steal. Hindi trinabaho ang office ni Chairman Tolentino,†ani Lukban.
Nabawi mula kay Mongkano nang maaresto ng mga security guards at mga pulis noong Linggo ang isang suklay, lalagyan ng mga barya, at lotion na ginamit niya upang mabuksan ang desk ng mga tauhan ng ahensya.
Nakuha rin Mongkano ang ilang tseke na nakapangalan sa kanya, na ninakaw nito umano mula sa kanyang dating landlord. Kinopya ni Mongkano ang pirma ng kanyang dating landlord sa mga tseke, dagdag ng mga pulis.
Sinabi pa ng mga pulis na dating naging testigo si Mongkano sa kaso ng mga nawawalang tseke nang idulog ito sa Makati Police noong Disyembre.
“He was able to describe how the checks were stolen but pointed to an unidentified man as the one who had stolen the checks from his landlord,†sabi ni Lukban.
Positibo rin na kinilala si Mongkano na siyang nanloob sa isang computer shop sa lungsod din ng Makati noong Disyembre.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pumasok si Mongkano sa gusali ng MMDA sa pamamagitan ng paglusot sa lalagyan ng aircon na tagos sa opisina ni Tolentino.
Nang makapasok sa gusali ay nanguha na ang suspek ng mga kagamitan mula sa mga drawer ng mga empleyado.
Pinuwersa umanong buksan ng suspek ang pintuan ng opisina ni Tolentino at sinukan ding buksan ang vault ng dating pinuno ng MMDA na si Bayani Fernando.