7 arestado sa gun ban sa Cordillera
MANILA, Philippines – Pito ang inaresto at kinasuhan ng paglabag sa election gun ban sa Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa mga pulis ngayong Lunes.
Ayon kay Superintendent Dave Limmong, tagapagsalita ng CAR police regional office, isa sa mga suspek ay naaresto sa Baguio City at ang iba ay sa Abra at Mountain Province.
Tiniyak naman ni Limmong na nananatiling mapayapa sa probinsya ng Kalinga, na kabilang sa listahan ng mga "areas of concern" ngayong panahon ng eleksyon dahil na rin sa naitalang karahasan noong mga nakalipas na mga halalan.
Ayon kay Limmong, bukod sa mga checkpoint ay naaresto ang ilan sa pitong suspek sa patrol operations ng mga pulis.
Nagsimulang ipatupad ang election gun ban ng Comelec noong Enero 13 at matatapos hanggang Hunyo 12. Ang gun ban ay ipinapatupad upang mabawasan ang karahasan tuwing halalan.
- Latest
- Trending