Kilabot na Abu Sayyaf tiklo

MANILA, Philippines - Naaresto na ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang kilalang miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa maraming kaso ng kidnapping sa Mindanao.

Kinilala ni Col. Rodrigo Gregorio ng AFP sa Western Mindanao Command ang arestadong bandido na si Muin Hamja na kilala rin sa tawag na "Abu Kudri," "Sudjarapula," "Usman" at "Suhud Ivo Makiring."

Naaresto ang bandito bandang 2:48 ng umaga ng Huwebes sa Baranggay Kumalarang, bayan ng Isabela sa Basilan.

Si Hamja ay ma patong na P600,000 pabuya sa ulo.

Show comments