Sekyu tiklo dahil sa panloloob sa bangko

 

MANILA, Philippines – Hinuli ng mga pulis ang isang security guard sa Agunsan del Sur dahil may kinalaman umano siya sa nakawan sa isang bangko sa Quezon City noong nakaraang taon.

Ayon kay Philippine National Police chief Director General Alan Purisima, nahuli si Reynante Gante sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court.

Dagdag ni Purisima na matagal nang pinaghahahanap si Gante dahil sa panloloob sa China Bank sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City noong Mayo 25, 2012.

Show comments