^

Balita Ngayon

Guro patay sa pananambang sa NCotabato

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Utas ang 26-anyos na public school teacher sa dalawang armadong lalaking sakay ng isang motorsiklo noong Huwebes sa M'lang, North Cotabato.
 
Ito na ang ikatlong insidente ng pamamaril sa probinysa mula nang ipatupad ang election gun ban noong Enero 13.
 
Pinangalanan ni Senior Inspector Rolando Dillera, hepe ng M'lang municipal police, ang biktima na si Shernan Mark Duerme ng M'lang National High School.
 
Sakay ng kanyang motorsiklo si Duerme sa Barangay Bagontapay nang tambangan ng dalawang nakamotorsiklong lalaki na kapwa armado ng .45 pistola.
 
Ayon kay Dillera, malamang na mga "hired killers" ang dalawang lalaking nanambang sa guro.
 
Noong Martes, napatay din si Allan Dumato, empleyado ng isang pribadong kompanya, sa isa pang insidente ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato noong Martes.
 
Lulan din ng kanyang motorsiklo si Dumato malapit sa bayan ng Pikit nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaki.
 
Sa parehong araw, nasawi rin ang dalawang security escorts ng baranggay chairman ng Banisilan, North Cotabato dahil sa pag-atake ng mga rebeldeng Moro.
 
Naganap ang mga pananambang sa kabila ng pagpapatupad ng pulisya at ng militar ng election gun ban.

ALLAN DUMATO

BARANGAY BAGONTAPAY

NATIONAL HIGH SCHOOL

NOONG MARTES

NORTH COTABATO

PIKIT

SENIOR INSPECTOR ROLANDO DILLERA

SHERNAN MARK DUERME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with