Mambabatas sa kandidato: Igalang ang gun ban
January 14, 2013 | 3:58pm
MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga mambabatas ngayong Lunes sa mga kandidato at publiko na galangin ang 150-araw na election gun ban na nagsimulang ipatupad nitong araw ng Linggo.
"As aspirants for elective posts, we must comply with Commission on Elections (Comelec) rules. And we call on the public to be vigilant and report violations to authorities," pahayag ni Deputy Speaker at Zamboanga City Rep. Ma. Isabelle Climaco.
Aniya, kailangang gampanan ng publiko at ng mga kandidato ang kanilang papel upang masiguro ang bisa ng gun ban.
Samantala, sinabi ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado na ang mabisang gun ban ay mahalaga upang maging ligtas, maayos at mapayapa ang halalan.
"We should all responsibly do our share in observing the ban to achieve honest, orderly and peaceful elections," sabi ni Mercado na chair ng House Committee on Transportation.
Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ang mga permit to carry ay suspendido hanggang Hunyo 12.
Ang pagdadala ng baril habang may gun ban ay itinuturing na isang seryosong election offense, babala ni Brillantes.
Tanging mga miyembro lamang ng PNP, Armed Forces of the Philippines at National Bureau of Investigation na naka-uniporme at naka-duty ang maaaring magdala ng mga baril sa labas ng kanilang bahay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am