Task force on power mungkahi ng TUCP kay Noy
January 14, 2013 | 11:14am
MANILA, Philippines – Nanawagan ang ilang grupo sa pangunguna ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Pangulong Benigno Aquino III upang gumawa ng task force na magpapababa sa singil ng kuryente sa bansa.
"By creating a task force on power, President Aquino can send a signal to potential investors to come in and invest here. Doing so, we can expect that the 10 million unemployed and underemployed Filipinos can be addressed," pahayag ni TUCP advocacy officer Alan Tanjusay.
Noong Biyernes ay naglunsad ang TUCP at iba pang grupo ng mga konsyumer sa Luzon, Visayas at Mindanao ng pagkilos na tinawag na Pipol’s Power. Layunin nito na maibaba ang singil ng kuryente sa bansa na pangalawang pinakamataas sa mundo.
Ikinakatakot ng ilang grupo na ang 39 sentimo na universal charge na ipinetisyon ng PSALM ay pagbibigayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) anumang araw ngayong linggo.
Ang karagdagang singil ay iba pa sa 36 sentimo na itinaas ng Manila Electric Company o Meralco noong Huwebes.
Kabilang sa mga grupo ang NAGKAISA, Mindanao Business Council, Mindanao Commission on Women, All Pinoy Volunteers, empower Consumer, KAMMP, at Lapocof.
"For an average 200 kwh residential household, 36 centavos is P40 to P60 while 39 centavos is P70 to P80. If we combine these, it will have a lethal effect on millions of ordinary working families whose monthly income is within the minimum wage," sabi ni Tanjusay.
"The President must do something about the cost of electricity as soon as possible to retain and attract more companies, thereby retaining jobs and creating more jobs," dagdag niya. - Dennis Carcamo
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest