MANILA, Philippines – Ilang miyembro ng Kongreso ang nagsabing panahon na upang buwagin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at hayaan na lamang ang ibang ahensya ng gobyerno na magtuloy at bumawi sa nakaw na yaman ng mga Marcos.
Ayon kay Rep. Simeon Datumanong (2nd District, Maguindanao), dating Justice Secretary, masyado nang matagal ang PCGG at nagawa na nito ang makakaya nila sa paghahabol na mabawi ang mga nakaw na yaman, gayun din ang pagiimbestiga at pagsasakdal sa mga katulad na kaso.
“It is now time for the PCGG to retire,†sabi ni Datumanong.
Iminungkahi niya ang Department of Justice na siyang dapat sumalo sa natitirang trabaho ng PCGG.
“Once that wealth is ill-gotten, the DOJ may be able to handle the proper case that could amount to recovery of such wealth,†ani Datumanong.
Sa bisa ng Executive Order 643 na inilabas noong Hunyo 27, 2007, inilagay ang PCGG sa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.
Para naman kay dating House Minority Leader na si Rep. Carlos Padilla (Lone District, Nueva Vizcaya), tama na ang 26 na taon ng PCGG at dapat ay ituloy ng DOJ at Department of Finance ang nalalabing trabaho nito.
“The PCGG’s remaining job can perhaps be given to regular government agencies like the Department of Finance and Department of Justice as the case may be,†sabi ni Padilla.
Kamakailan lamang ay iminungkahi ng tagapangulo ng PCGG na si Andres Bautista ang pagpasa ng “winding down†bill na naglalayong buwagin na ang PCGG at ibigay ang trabaho nito sa DOJ at DOF.
Sinabi ni Bautista na dahil sa kakulangan sa pondo ay hindi na maituloy ng PCGG ang kanilang search at recovery na pagglaw kahit na mayroong leads upang maisiwalat ang ilang assets pa ng Marcos sa like Austria, Germany, Liechtenstein and Switzerland.