MANILA, Philippines – Isang party-list group ang nanawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) ngayong Miyerkules na pigilan ang Manila Electric Co. (Meralco) sa pagtaas ng singil nito ngayong Enero.
Inakusahan ni Anakpawis party-list vice chairperson Fernando Hicap ang ERC na hinahayaan ng komisyon ang Meralco, ang pinakamalaking power distributor sa bansa, sa pagmonopolyo ng kita sa kuryente.
"It is about time for the energy regulatory agency to act decisively, defy the deregulated regime in the power sector and keep public interest over and above the narrow agenda of electric giants like Meralco," sabi ni Hicap.
Hinimok din ni Hicap ang ERC na suspendihin ang planong pagtataas ng singil sa kuryente ngayong taon at isailalim ang mungkahing pagtaas ng singil sa isang public scrutiny.
Hiniling din niya sa ERC na suspendihin kung hindi ibabasura ang wholesale electricity spot market at isulong na lamang ang regulasyon kahit na mayroong Energy Power Industry Reform Act.
"Public interest is at stake here, and ERC can range this concern of national importance against profiteering and corporate exploitation in the name of millions of Meralco consumers," ani Hicap.
Nakatakdang i-anunsyo ng Meralco ang pagtataas ng generation charge ngayong linggo dahil sa mababang performance ng coal at natural gas plants, at pagtaas ng generation of power output mula sa mas mahal na oil-fed facilities.