Dalawang posisyon sa Comelec dapat ibigay sa 'insiders'
January 8, 2013 | 3:53pm
MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga empleyado ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes kay Pangulong Benigno Aquino III na "insiders" lamang dapat ang italaga niya sa dalawang mababakanteng posisyon sa komisyon sa Pebrero.
Sinabi ng Comelec Employees Union na sa halip na kumuha sa labas, dapat ay mismong tao ng Comelec ang mahirang sa babakantehing puwesto nina Commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco.
"As much as possible, we want the President to appoint Commissioners that came from the ranks," sabi ng national president ng Comelec Employees Union na si Mac Ramirez.
Ani Ramirez, dapat ay kabisadung-kabisado ng mga makakapalit nina Sarmiento at Velasco ang pasikut-sikot sa Comelec at alam din dapat nila ang tunay na kalagayan ng mga empleyado ng Comelec.
Sinabi pa ni Ramirez na imbes maghanap ng ilalagay sa pwesto sa labas ng commission, ay dapat tignan ni Aquino ang talaan ng mga directors at field officials ng Comelec na kwalipikado sa trabaho.
Ngunit kahit ganoon, ipinahayag ni Ramirez na mas susuportahan nila ang mga opisyal na magsusulong ng interes ng 6,000 na mabababang empleyado ng Comelec.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am