Dagdag diskwento sa mga senior ciitzen isinulong
January 8, 2013 | 3:20pm
MANILA, Philippines – Iminungkahi ng isang mambabatas na bigyan pa ng karagdagang diskwento ang mga senior citizen.
Sa kanyang panukala, nais ni Senior Citizens party-list Rep. Godofredo Arquiza na mabigyan ng 20 porsyento na diskwento sa lahat ng bibilhin ng mga senior citizen.
Kabilang sa mga iminumungkahi sa House Bill 6681 na mapatawan ng 20 porsyento na diskuwento para sa mga senior citizen ang professional license at driver’s license fees, business license at permit fees.
Aniya, layunin ng panukala na makilala ang karapatan ng mga nakakatanda alinsunod sa Saligang Batas, kung saan nakasaad na dapat bigyang prayoridad ang pangangailangan ng mga nakakatanda.
“Article 15, Section 4 declares that it is the duty of the family to take care of its elderly members while the State may design programs of social security for them,†pahayag ni Arquiza.
Sinabi pa ng kinatawan ng mga matatanda na layunin din ng panukalang batas na mabigyan ang matatanda ng suporta sa ikakaayos ng kanilang buhay at kanilang sektor sa lipunan.
Sa panukala, inuutusan ang Department of Social Welfare and Development, Department of Finance, Department of Interior and Local Government na gumawa ng mga palatuntunan at regulation upang maramdaman ang layunin ng panukala.
“It is the Supreme Court that shall promulgate the appropriate guidelines in the implementation of this Act in respect of the docket fees,†sabi ni Arquiza.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended