MANILA, Philippines – Umapela ang Eco Waste Coalition sa mga kandidato sa darating na halalan na huwag nang umepal sa paglalagay ng mga tarpaulin upang ibandera ang kanilang mga sarili sa selebrasyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila ngayong Enero 9.
“We ask politicos from all the contending factions not to ‘tarpaulinize’ what should be a celebration of unity in faith,†sabi ni Eco Waste Coalition coordinator Edwin Alejo.
Sinabi ni Alejo na ginagamit ng mga pulitiko ang okasyon upang batiin ang mga tao ng “Happy Fiesta†sa paggamit ng mga banners at posters, na tinawag ng grupo bilang “tarpaulitics.â€
Ang mga paggamit ng posters at banners na gawa sa plastic o papel ay nakakadaragdag sa pahirap sa paglilinis, ayon sa grupo.
“Tarpaulins do not lead to a ‘happy fiesta.’ In fact, tarpaulins are a nuisance that can confuse the spiritual message of unity, block the public view of the procession, harm the trees and muddle up the bridges, electric cables, lamp posts and structures where the tarps are usually fastened or hanged,†dagdag ni Alejo.
Pinayuhan ni Alejo ang mga pulitiko na gumastos nalamang sa mas makabuluhang bagay na makakatulong sa selebrasyon ng Itim na Nazareno.
Aniya, maaring tumulong ang mga pulitiko sa paglilinis ng kalsada pagkatapos ng piyesta.
Minungkahi din ng grupo na maaring magbayad ang mga pulitiko ng mga taong tutulong sa paglilinis sa Quiapo o magbigay ng libreng pagkain sa mga deboto.