Tangkang pambobomba sa Maguindanao napigilan

 

MANILA, Philippines – Isang improvised explosive device (IED) ang nadisarmahan ng mga sundalo ngayong Huwebes sa may gate ng munisipyo ng Shariff Aguak sa probinsya Maguindanao.

Sinabi ni Colonel Prudencio Asto, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, malamang na pakay ng mga taong nagtanim ng bomba ay saktan ang mga opisyal at empleyado ng munisipyo sa kahabaan ng Cotabato-General Santos Highway.

Ayon pa ay Astoang mga intelligence operatives ng 1st Mechanized Infantry Battalion ay tumutulong na sa mga pulis upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod nang pagtatanim ng IED.

“We are unsure if whether it was aimed to kill someone getting inside the town hall regularly, or if it was intended for soldiers frequenting that compound,” sabi ni Asto.

Sinabi ni Asto na ang natagpuang IED ay gawa sa dalawang 81 MM mortar rounds na may battery-operated blasting mechanism na naka-kabit sa cellular phone.

Lampas na sa 12 ginagawang pag-atake sa naturang bayan gamit ang IED at mortar sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

Show comments