Imbestigasyon sa Aman Futures tinapos na
MANILA, Philippines – Tinapos na ang imbestigasyon ng special panel ng Deparment of Justice (DOJ) na humahawak sa mga kasong estafa na isinampa sa mga opisyal ng Aman Futures Phil. Inc. ngayong Huwebes matapos lumutang ang dalawang opisyal ng naturang investment firm.
Nagpakita sina Fernando Luna at asawa nitong si Nimfa, kapwa board members ng Aman Futures, sa DOJ at nagpasa ng kanilang counter-affidavits sa special panel.
Kinasuhan ang mag-asawa kasama pa ang may-aring si Manuel Amalilio ng hindi bababa sa 40 respondents ng estafa complaint kaugnay sa P12-B multi-billion investment scam ng Aman Futures.
Hiniling ng mag-asawa sa kanilang affidavits na tanggalin na sila sa listahan ng mga kakasuhan at sinabing biktima rin sila ng kontrobersyal na pyramiding scam.
Noong Miyerkules, sinabi ng kalihim ng DOJ na si Leila de Lima na madi-delay ang resolusyon ng special body dahil hihintayin nila ang conter-affidavits ng mag-asawa ngayong araw.
Mayroong 90 araw ang panel upang maglabas ng resolusyon sa mga estafa complaints.
Sa hulign pagdinig, humingi ng panahon ang mag-asawa upang magpasa ng kanilang counter-affidavits dahil huli na ng matanggap nila ang kopya ng mga reklamo laban sa kanila at kinapos sila ng oras para maghanda ng mga sagot.
Sinabi ni Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela, pinuno ng special panel of prosecutors, na tanging ang mag-asawa lamang ang hindi agad nakapagpasa ng counter-affidavits bago ang pagdinig.
- Latest
- Trending