Kagawad at pamangkin nito lusot sa pananambang

MANILA, Philippines – Nalusutan ng isang barangay kagawad at anim-taong-gulang niyang pamangkin ang isang pananambang a Solsona, Ilocos Norte kahapon.

Sugatan sa pananambang si George Vicente, kagawad sa Bagbago, Solosona at pamangkin niyang si Switzel Mae Mila.

Tinamaan si Vicente sa dibdib habang ang bata ay sa kanyang braso.

Ayon sa mga pulis, sakay ng trak ang dalawang biktima kasama ang asawa ng barangay kagawad nang tambangan sila ng hindi pa kilalang mga lalaki.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril. Artemio Dumlao

Show comments