MANILA, Philippines – Kinontra ng isang child rights group ngayong Biyernes ang planong Senado na amyendahan ang Juvenile Justice Welfare Act of 2006.
Layunin ng planong pag-amyenda sa batas na pababain sa 12 taon mula sa 15 taon ang edad ng mga menor na maaaring sampahan ng kasong kriminal.
Nanawagan ang Akap Bata Youth Advocates at Akap Bata Party-List kasabay ng kanilang taunang “Paskuhang Paslit” sa Haven for Children Rehabilitation Center sa Muntinlupa City nitong Biyernes.
Sinabi ng grupo na oras na maamyendahan ang naturang batas, maaari nang kasuhan at makulong ang mga 13 anyos pataas. Naniniwala ang dalawang grupo na lalong lalala ang sitwasyon ng mga kabataang nagkakaatraso sa batas kung sa murang edad pa lamang ay makukulong na sila.
"The lowering the age of discernment for kids is not the best option in resolving the growing number of children-in conflict with the law (CICL) in the country," sabi ng mga grupo. - Dennis Carcamo