Brother Eddie tatakbong senador

MANILA, Philippines – Naghayin ng substitution candicay si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement ngayong Huwebes sa Commission on Elections (Comelec) kapalit ng kaisa-isang pambato ng Bangon Pilipinas para sa halalan sa pagka-senador sa 2013 na si Israel Virgines.

Ipinasa ni Villanueva ang kanyang Certificate of Candidacy sa law department ng Comelec main office sa Intramuros, Manila.

Umatras si Virgines sa pagtakbo upang magbigay daan kay Villanueva.

Noong 2010 national elections ay tumakbo sa pagkapangulo si Villanueva. Talo rin si Villanueva nang tumakbo para sa parehong puwesto noong 2004.

Pinapayagan ng Comelec ang substitution of candidates hanggang bukas. Dennis Carcamo

Show comments