MANILA, Philippines - Pasado na sa bicameral level ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill matapos ang pulong ng mga miyembro ng komite ngayong Miyerkules.
Inihayag ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, miyembro ng House of Representatives' panel, ang pagpasa ng RH bill sa bicameral sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
"Clap clap clap. Tapos," sabi ni Baguilat, na co-author sa bersyon ng RH bill sa mababang kapulungan.
Ayon kay Baguilat, nangibabaw ang bersyon ng Senado sa ipinasang bersyon ng bicameral committee.
"Now accepting Senate versions just to fast track on RH bill. No big difference. Just that Senators feel their version is better written," sabi ni Baguilat.
Ilan sa magkasalungat na probisyon na pinagusapan ng grupo ay kung ang Department of Education ba ang aatasan na gumawa ng kurikulum sa sex education sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ibabalik ng bicameral committee ang pinagtibay na panukala sa Kongreso para sa ratipikasyon bago dalhin kay Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang lagda.