MANILA, Philippines – Idinepensa ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Martes ang kanyang desisyon na italaga si Deputy Director General Alan Purisima bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Aquino na ang dahilan kung bakit niya inilagay si Purisima sa pinakamataas na puwesto ng pulisya ay dahil sa paghahanda ng gobyerno para sa halalan sa 2013.
Habang ginagawa ang change of comman rite sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Aquino na buo ang kanyang tiwala at kumpiyansa kay Purisima na kilala na niya sa nakalipas na 30 taon.
Inalala ng Pangulo ang mga panahon noong miyembro pa si Purisima ng Presidential Security Group noong pangulo pa ng bansa ang kanyang inang si Corazon Aquino.
"I would be disappointed if you will not perform expected from you," sabi ni Aquino sa Tagalog.
Nauna nang inilagay ni Aquino si Purisima bilang pinuno ng Task Force Halalan, isang special task group na namamahala sa seguridad sa paghahanda sa halalan.
Sa kanyang talumpati, binalaan ni Aquino ang mga magkakamaling kapulisan.
"Kapag nagkrus ang landas natin...bilang na oras nyo...Hindi lang pag-surrender ng tsapa at uniporme, kundi papalitan pa natin 'yan ng orange na T-shirt na may 'P' sa likod," Aquino said.
Ibinida naman niya ang kabayanihan ng mga tauhan ng PNP sa rescue at relief operations sa Visayas at Mindanao na binayo ng bagyong Pablo. Dennis Carcamo