MANILA, Philippines – Sinugod ng isang grupo ng mga demonstrador ang Department of Justice (DOJ) upang hikayatin ang departamento na iurong ang kaso laban sa dalawang lider ng unyon na inaresto kamakailan ng mga awtoridad.
Tumungo ang mga kamag-anak nina Roy Velez at Amelita Gamara sa tanggapan ng DOJ sa Maynila upang manawagan sa agarang pag-uurong ng kaso laban sa dalawa.
Isinagawa ang protesta sa araw mismo ng pagdiriwang ng International Human Rights Day.
Inaresto sina Velez at Gamara kaugnay sa mga kasong murder, frustrated murder at pagnanakaw.
Ang kaso ay kaugnay sa pagsalakay ng mga hinihinalang New People's Army sa isang Army detachment sa Barangay Maot sa Labo, Camarines Norte noong Abril 29.
Anang mga demonstrador, mga imbentong kaso lamang ang isinampa sa dalawang lider ng unyon.