MANILA, Philippines – Ibinaba na ng Philippine Atmospheric, Geophysical & Astronomical Services Administration (PAGASA) ang antas ng bagyong "Pablo" sa tropical storm dahil sa patuloy nitong paghina habang tumutulak palabas ng bansa.
Ayon sa PAGASA, namataan bandang 10:00 ng umaga ang mata ng bagyo sa layong 340 kilometro ng kanlurang bahagi ng Coron, Palawan.
Ang lakas ng hangin ng bagyo ay bumaba na sa 115 kilometro kada oras at may pagbugso pa ring 145 kilometro kada oras.
Tinanggal na ng PAGASA ang lahat ng mga public storm warning signal na idineklara sa maraming lugar sa Mindanao, Visayas at Luzon.
Ayong sa PAGASA, lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Biyernes ng umaga.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 325 katao ang kumpirmadong patay at 379 pa ang nawawala sa mga lugar na binayo ng bagyo noong Martes.