^

Balita Ngayon

275 pamilya inilikas sa Western Mindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 275 pamilya ang inilikas dahil sa paghagupit ng bagyong "Pablo" sa western Mindanao nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Chief Superintendent Napoleon Estilles, direktor ng Zamboanga Peninsula police regioal office, pinakamatinding naapektuhan ang Barangay Vitali sa Zamboanga Sibugay na may anim na purok at 92 pamilya.

Ani Estilles, nawalan ng kuryent at sarado ang mga kalsada sa maraming lugar sa rehiyon dahil sa mga naganap na pagguho ng lupa at biglaang pagbaha dulot ng matinding ulan na dala ng bagyong Pablo.

Aabot sa 45 pamilya naman sa Zamboanga del Sur at 138 sa Zamboanga del Norte ang inilikas mula sa kanilang mga tirahan dahil sa pagbaha.

Sinabi ni Estilles na wala pa namang naiuulat na namatay sa naturang rehiyon.

AABOT

ANI ESTILLES

AYON

BARANGAY VITALI

CHIEF SUPERINTENDENT NAPOLEON ESTILLES

ESTILLES

MINDANAO

NORTE

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA PENINSULA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with