MANILA, Philippines – Nagdeklara ang mga mag-aaral ng Far Eastern University (FEU) ng “Black Shirt Day” matapos mabaril ang tatlo nilang kamag-aral ng hindi pa nakikilalang mga lalaki nitong Martes ng gabi sa Maynila.
Patay na nang idating sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang sina Juan Paolo Nepomuceno at Gerald Martin Ramos. Namatay ang dalawang biktima dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo, leeg, at katawan.
Papunta sana sa isang kainan sina Nepomuceno at Ramos nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo sa harap ng kanilang paaralan sa kahabaan ng Morayta Avenue. Suwerte namang nakaligtas ang kasamahan ng dalawa na si AJ Santiago.
Nagpapagaling ngayon si Santiago sa Mary Chiles Hospital in Manila.
Nag-organisa ang administrasyon ng FEU ng isang dedicated Mass sa chapel ng unibersidad ngayong Miyerkules para sa kina Nepomuceno at Ramos.
Naging mas malungkot ang insidente dahil nagdidiwang si Ramos ng kanyang kaarawan nang mangyari ang pamamaril.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pamamaslang. Camille Diola