Civilian peace negotiator sugatan sa pananambang
MANILA, Philippines – Malubha ang kalagayan ng isang civilian peace facilitator matapos tambangan ng hinihinalang mga miyembro New People’s Army (NPA) sa Samar kamakalawa, ayon sa ulat ng militar ngayong Martes.
Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Army 8th Infantry Division na si Capt. Gene Orense na nagpapagaling na si Harvey John Abelido ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan (Kalahi) sa bayan ng San Jose de Buan.
Tinamaan ng tama ng bala ng baril si Abelido sa kanyang baba.
Sakay ng motorsiklo si Abelido at isa pang civilian peace facilitator na si Renato Dacaymay nang tambangan sila ng mga rebelde sa Sitio Manabo, Barangay Babaclayon. Hindi nasagutan si Dacaymat.
Ito na ang pangalawang beses na inatake ang mga miyembro ng Kalahi ngayong taon. Noong Agosto ay dinukot ng mga rebelde ang isang miyembro ng Kalahi sa Baranggay Hagbay.
Nasa Samar ang grupo dahil sa pinapagawang proyekto na pinondohan ng World Bank sa mga liblib at mahihirap na lugar ng bayan ng San Jose De Buan. Jaime Laude
- Latest
- Trending