Abu Sayyaf member tiklo sa mall sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Arestado sa sa loob ng isang mall ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa kidnapan sa Basilan.

Tiklo si Algaber Said alyas Talha sa isang fast food chain sa loob ng Gateway Shopping Center-Zamboanga nang masukol ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at National Bureau of Investigation (NBI).

Kamakailan lamang ay nadakip din ng mga awtoridad si Walid Amping alyas Tuma na isa ring hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ayon sa pulisya, pang-anim na si Said sa kanilang mga nahuhuli na miyembro ng Abu Sayyaf.

Sangkot umano si Said sa pagdukot ng mga mag-aaral, guro at pari sa Tumahubong, bayan Sumisip noong Marso 2000.

Ang suspek ay may putong na P600,000 na pabuya sa ulo. Roel Pareño

Show comments