MANILA, Philippines – Pitong party-list groups pa ang hindi pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes sa pagsali sa darating na halalan sa 2013.
Ang mga bumagsak na party-list groups ay ang:
- Fitness Pinoy Association Inc.
- Pinoy Aasenso Ka
- Ahente
- Ang Sandigan ng mga Batang Lansangan (Asabala)
- Bantay OCW
- Samahan ng Nagtataguyod ng Daang Matuwid (Sandama)
- 1-Abante Na Pinoy
Ayon sa Comelec, ang pitong grupo ay hindi rin kumakatawan sa marginalized at underrepresented sectors gaya ng mga nauna nang tinanggal sa listahan ng mga maaaring lumahok sa halalan.
Sinasabi ng Ahente na kumakatawan daw sila sa mga propesyonal sa labor sector at urban poor.
Ang kanilang nominado na si Danilo dela Cruz ang publisher ng Condo Central magazine at nasa industriya ng real estate.
Maglalabas pa ang Comelec ng mga listahan ng mga pasok at hindi na mga party-list groups.