Presyo ng gasolina tumaas pa

MANILA, Philippines – Muli na namang nagtaas ng presyo ng gasolina ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes ng umaga.

Iniakyat ng Petron, Chevron, Shell and Flying V ang presyo ng gasolina sa 60 sentimo kada litro kaninang 6:00 ng umaga.

Ang apat na kompanya ay nagdagdag din ng 70 sentimo kada litro sa diesel at 50 sentimo kada litro sa gaas.

Nagtaas din ang Phoenix Petroleum ng parehas na presyo ng mga produkto nito maliban sa gaas.

Noong nakaraang linggo lamang ay nagtaas na rin presyo ang mga kumpanya ng langis.

Show comments