MANILA, Philippines - Anim katao ang sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa probinsya ng Maguindanao ngayong Lunes, ayon sa isang opisyal ng pulisya.
Ayon kay Senior Superintendent Jaime Pido, Maguindanao provincial police director, nadale ang mga biktima sa unang pagsabog ng improvised explosive device na itinanim sa gilid ng kalsada sa bayan ng Datu Unsay.
"May anim na tao ang nasaktan pero hindi kilala iyong mga nakatira doon kaya 'di ko nakuha ang mga pangalan," sabi ni Pido sa isang panayam sa radyo.
Dagdag nito na 10 hanggang 20 minuto lamang ang nakakalipas ay isa namang pagsabog ang nangyari sa Datu Saudi.
Wala namang nasaktan sa pangalawang pagsabog.
"Sa ngayon, under investigation pa natin iyan...Wala pang maituturing na suspek kasi walang mag-witness na magsasabi na nakita nilang naglagay ng bomba," sabi ng police director. Dennis Carcamo