^

Balita Ngayon

Tsinoy pinatay na, pinagnakawan pa sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang tsinoy matapos pagbabarilin at nakawan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Maynila ngayong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Chua na namatay sa Lourdes Hopistal dahil sa limang tama ng bala ng baril sa katawan at mukha.

Nakasakay si Chua sa kanyang nakaparadang Nissan Patrol sa kalye ng Aliw-iw sa Sta. Mesa nang pagbabarilin ng mga salarin.

Hinihintay ni Chua ang kanyang drayber nang paslangin.

Matapos pagbabarilin, kinuha ng mga salarin ang relo at kuwintas ng biktima na nagkakahalaga ng halos P100,000.

Hiniling ng mga kamag-anak ng biktima na hawakan ng National Bureau of Investigation ang kaso. Dennis Carcamo

ALIW

CHUA

DENNIS CARCAMO

HINIHINTAY

HINILING

KINILALA

LEONARDO CHUA

LOURDES HOPISTAL

MATAPOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NISSAN PATROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with