Operasyon ng LRT 2 naantala

MANILA, Philippines – Pansamantalang naantala ang operasyon ng Light Railway Transit Line 2 ngayong Lunes ng umaga matapos pumalya ang isa tren nito.

Ayon kay Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT, idineklara ng isang tauhan ng LRT 2 ang Code Red bandang 9:02 ng umaga.

Aniya, nawala sa traksyon ang tren habang papalapit ito sa Legarda station.

Sa ilalim ng Code Red alert, lahat ng tren mula sa magkabilang dulo na istasyon na Recto, Maynila – Santolan, Pasig ay titigil at walang sinumang pasahero ang papapasukin sa mga istasyon.

Lampas 20 minuto ding natigil ang operasyon ng tren.

"The trains are back to running status at 9:24 am," sabi ni Cabrera. Dennis Carcamo

Show comments