^

Balita Ngayon

3 BIFM members sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) ang sugatan sa isang pagsabog ng bomba sa Datu Saudi, Maguindanao ngayong Lunes ng umaga.
 
Hindi basta-basta nakapasok sa pinangyarihan ng insidente ang mga awtoridad dahil sa joint ceasefire ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.
 
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ng tagapagsalita ng BIFM na si Abu Misry Mama na tatlong kasamahan nila ang sugatan kabilang ang kumander na si Karialan.
 
“There were three BIFM officials in that group, one of them was our chief-of-staff while the other was our political officer,” pahayag ni Mama sa dxMY  ng Radio Mindanao Network.
 
Aniya, papunta ang mga biktima, kasama pa ang iba nilang katropa, sa isang “Islamic dialogue” sa tagong baranggay na Lower Salbu nang sumabog ang improvised explosive device (IED) sa dinaanang bukid.
 
Pero duda ang mga opisyal ng baranggay sa kuwento ni Mama dahil hinala ng mga ito ay naglilipat ng mga IED ang BIFM mula sa kanilang hideout patungo sa Baranggay Salbu na tumbok ang Cotabato-Gen. Santos City Highway.
 
Sinabi naman ng mga imbestigador na may posibilidad din na ibang armadong grupo na kontra BIFM ang nasa likod ng pambobomba.
 
Ilang kumander ng BIFM ang sangkot sa ilang clan war na kinabibilangan ng iba pang mga paksyon ng Moro sa Maguindanao.
 
Lampas isang dosena na ang madudugong bakbakan sa pagitan ng BIFM at armadong Moro group sa tatlong bayan na Datu Saudi, Salibo at Datu Piang mula noong 2011. John Unson

ABU MISRY MAMA

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM MOVEMENT

BARANGGAY SALBU

BIFM

DATU PIANG

DATU SAUDI

JOHN UNSON

LOWER SALBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with