MANILA, Philippines — Umalma ang Pilipinas sa pagsasama ng Tsina ng imahe ng West Philippine Sea sa bago nitong imprentang mga e-passports.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, iginiit niya sa isang liham sa embahada ng Tsina na mariing tinututulan ng Pilipinas ang paglalagay ng pinagtatalunang karagatan.
Sinabi pa ni Del Rosario na ang inaangkin ng Tsina ay malinaw na malinaw na bahagi ng karagatang nasasakupan ng Pilipinas.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng mainit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa pagpasok ng mga mangingisdang Tsino sa Panatag Shoal, na sakop ng karagatang sakop naman ng probinsya ng Zambales.