^

Balita Ngayon

P888-M investments ng Aman Group natuklasan sa T'boli

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aabot sa P888 million na halaga ng investments na umano’y nakolekta noong mga nakaraang buwan ng pyramiding investement firm na Aman Futures Group Philippines Inc.

Sinabi ni supervising agent Timmy Rejano ng NBI–Region 12 ngayong Huwebes na natuklasan nila ang multi-million na investement sa isinagawa nilang operasyon kahapon sa isang bahay sa Baranggay Poblacion sa T’Boli, na pinaniniwalaang kampo ng Aman Group.

Dagdag ni Rejano na ang bahay na pagmamay-ari ni Pastor Rolando Lilio ng United Alliance Church ay lumabas na ginawang sangay ng Amang group sa T’Boli at ang mga anak ng pastor na sina Roda Lilio-Corpuz at Girlie Lilio-Paner ay naging mga ahente.

“Based on the bank statements and other documents we recovered, the investment accounts handled by Roda and Girlie for the Aman Group reached P888 million,” sinabi ng opisyal.

Sinabi pa ni Rejano na ginawa nila ang search operation sa bisa ng warrant na inilabas kahapon ni Judge Roberto Ayco ng Regional Trial Court Branch 26 sa Surallah, South Cotabato.

Humingi sila ng search warrant dahil sa mga reklamo na idinudulog sa opisina nila sa Koronadal City noong Lunes ng limang biktima ng Aman Group sa T’Boli.

Ayon pa kay Rejano, ikinagulat nila ang mga nakuhang ebidensya na nagtuturo umano sa mga transaksyon sa pagitan ng mga Lilio at ang nagtatago ngayong founder ng Aman Group na si Manuel Amalilio.

Natagpuan din nila ang mga resibo, payments slips, bank deposits at transaction statements na nakapangalan kina Roda Lilio-Corpuz, Girlie Lilio-Paner at Aman Group.

Nakuha din sa bahay ng mga Lilio ang ilang summary cash transactions at deposit slips na may halabang P200,000 na lumalabas na koleksyon mula sa mga local investors na naengganyong sumali sa kontrobersyal na scam dahil sa mataas nitong interes na aabot sa 52 percent.

“There were bank statements and deposit slips showing huge amounts of money transfers and deposits to the personal accounts of Roda and Girlie. It shows that they personally gained from these transactions,” ani Rejano.

Noong pasukin ng mga awtoridad ang bahay, tanging ang pastor lamang ang nandoon at ang magkapatid na Roda at Girlie ay nakaalis na ng T’boli kasama ang mga pamilya nila.

“We received information that Girlie is now in Pagadian City while Roda is still in General Santos City,” anang opisyal.

Sinabi ni Rejano na kaagad nilang ipuproseso ang mga ebidensya laban sa dalawang ahente ng Aman group para sa pagsasampa ng mga kaso.

Bukod sa limang nagreklamo, dagdag ni Rejano na may kikitain pa silang ibang grupo ng mga magrereklamo sa bayan ng T’boli sa Biyernes.

“Based on our latest count, there are more than 300 people who were victimized by this group in T’boli alone,” Rejano said.

Ang nakakatandang Lilio naman ay pinaghihinalaan na may kinalaman din sa Aman group dahil sa mga natagpuang dokyumento sa kaniyang kuwarto, ani Rejano.

Iginiit ni Rejano na ang mga kasong may kinalaman sa pyramid scam ay isasampa sa Department of Justice (DOJ) sa Maynila sa halip na sa Provincial Prosecutor’s Office.

Ang ilan sa matataas na opisyal ng Aman Group ay nahaharap sa kasong syndicated estafa base sa mga inisyal na reklamo ng mga biktima sa Pagadian.

Inituos ni Justice Secretary Leila Delima noong nakaraang linggo ang pagbuo ng espesyal na panel na tututok sa mga reklamo at pagpapasa ng mga kaso laban sa mga tauhan ng Aman Group.

Ayon sa mga ulat, aabot sa P12 bilyon ang nalikom ng pyramiding firm kung saan halos 15,000 katao ang nabiktima nito na mula sa Visayas at Mindanao.

AMAN

AMAN GROUP

BOLI

GIRLIE LILIO-PANER

GROUP

LILIO

REJANO

RODA AND GIRLIE

RODA LILIO-CORPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with