Pagsasakdal kay Morato ipinagpaliban ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines – Ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Manoling Morato sa kasong pandarambong kaugnay ng umano'y maanomalyang paggamit ng P366 milyon na intelligence fund ng ahensya.
Iniurong ng Sandiganbayan sa pangatlong pagkakataon ang pagsasakdal kay Morato sa Disyembre 3.
Babasahan sana ng sakdal si Morato ngayong Huwebes ng umaga.
Ipinasok sa korte si Morato sakay ng wheelchair at may suot pang face mask.
Tumanggi si Morato na humarap sa media pagkatapos ng pagdinig sa korte. Sumailalim kamakailan lamang si Morato sa isang heart bypass operation.
Kabilang si Morato sa mga sinampahan ng kasong pandarambong dahil sa umano'y maanomalyang paggastos ng intelligence fund ng PCSO. Kasama niya sa kaso si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay naka-confine sa Veterans Memorial Medical Center para sa kanyang hospital arrest.
- Latest
- Trending