^

Balita Ngayon

Suspek sa pagpatay sa UP student tukoy na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa 19-anyos na mag-aaral ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna.

Sinabi ni Senior Superintendent Fausto Manzanilla, direktor ng Laguna police provincial office, na natukoy nila ang suspek na kinilalang si Benigno Nayle, 19, dahil sa tulong ng dalawang saksi.

Ayon sa mga testigo, huling namataan si Nayle sa lugar ng insidente bago matagpuan ang wala nang buhay na si Maria Victoria Reyes sa bahay nito sa Baranggay San Vicente sa bayan ng Biñan.

Napag-alaman din ng mga awotridad na may kasong robbery, physical injury at direct assault ang suspek na dati ring residente ng nasabing baranggay.

Natagpuang duguan si Reyes ng kanyang ama bandang 1:00 ng hapon sa loob kanyang kuwarto.

Isinugod pa ang biktima sa Perpetual Medical Center ngunit agad ding binawian ng buhay.

AYON

BARANGGAY SAN VICENTE

BENIGNO NAYLE

ISINUGOD

LOS BA

MARIA VICTORIA REYES

NAPAG

NATAGPUANG

PERPETUAL MEDICAL CENTER

SENIOR SUPERINTENDENT FAUSTO MANZANILLA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with