^

Balita Ngayon

37 barangay apektado ng sunod sa Maguindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apektado ang 37 baranggay matapos mawalan ng kuryente sa bayan ng Montawal, Maguindanao dahil sa nasunog na mga linya ng kuryente, Lunes ng gabi.

Ayon sa mga opisyal ng National Grid Corporation (NGD), natunaw ang mga kable ng kuryenteng gawa sa aluminum dahil sa bushfire sanhi ng pagsusunog ng mga magsasaka ng mga tuyong damo.

Kinumpirma ng NGD sa mga istasyon ng radyo at umapela sa mga magsasaka na iwasan ang pagsusunog malapit sa mga poste ng kuryente.

Naibalik ang supply ng kuryente bandang 7:00 ng gabi.

Isinasantabi ng pulisya at militar ang posibilidad na bahagi ng pananabotahe ng mga bandido ang naturang sunog. John Unson

APEKTADO

AYON

ISINASANTABI

JOHN UNSON

KINUMPIRMA

MAGUINDANAO

MONTAWAL

NAIBALIK

NATIONAL GRID CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with