MANILA, Philippines – Sinibak ngayong Lunes ni Justice Secretary Leila de Lima sa puwesto ang lahat ng mga namumuno at mga tauhan sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntilupa City matapos ang pagpapasabog ng granada sa kulungan n oong Biyernes.
Umabot sa 140 jail officers ang tinanggal at inilagay sa "floating status" kabilang si NBP chief Superintendent Ramon Reyes.
Anim na preso ang nasugatan nang maghagis ang isa pang preso sa loob ng maximum security compound ng kulungan nitong Biyernes.
Iniutos na rin ni De Lima ang agarang pagbalasa sa mga tagapangasiwa ng mga grupo sa loob ng maximum security compound.
Samantala, nakatutok ang National Bureau of Investigation (NBI) sa anggulong droga kaugnay sa nangyaring pagpapasabog ng granada.
Ayon sa NBI, mga bodyguard ng isang drug lord na kilala sa pangalang Chua ang anim na nasugatan sa pagsabog.