Escudero sa PDEA: Sinong mga politiko ang sabit sa droga?

MANILA, Philippines – Hinamon ni Senador Francis Escudero ngayong Biyernes ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pangalanan ang 53 politiko na umano'y sangkot sa ilegal na droga sa bansa.

“The PDEA should immediately name names. If they have evidence, then they should file the cases as soon as possible. What are they waiting for?,” pahayag ni Escudero.

Kamakailan lamang ay isiniwalat ni PDEA chief Arturo Cacdac Jr. na may 53 politiko na sangkot sa ilegal na droga. Gayunman hindi nilinaw ni Cacdac kung ang mga politiko ay gumagamit o nagtutulak ng droga.

”PDEA is doing a political striptease act. They should name names so that all the other politicians will not be unfairly alluded to,” sabi ng senador.

Aniya: “Making blanket statements is plainly and simply irresponsible, especially if it involves innocent public servants, the country’s drug enforcement agency, and alleged drug activities."

Idinagdag ng senador na dapat sampahan ng kaso ang mga mahuhuli kahit politiko pa sila, ngunit kung wala namang ebidensya ay mas mabuting manahimik na lamang daw muna ang PDEA.

“The normal course of action is to file cases in the appropriate courts or government agencies. Unless PDEA does not have evidence, in which case it should have just kept its mouth shut first and quietly built the cases against the suspected perpetrators,” paliwanag ni Escudero.

Show comments