Bomba pinasabog ng miyembro ng BIFM sa Tacurong
November 16, 2012 | 4:20pm
MANILA, Philippines – Isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) ang inaresto ng mga awtoridad ngayong Biyernes ng umaga matapos magpsabog ng improvised explosive device (IED) sa palengke ng Tacurong City, Sultan Kudarat.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan, ngunit nagdulot ang pagsabog ng takot sa mga residente. Ito na rin ang panlimang insidente ng pagsabog sa lugar mula noong Oktubre.
Kinilala ni Superintendent Gilbert Tuzon, hepe ng Tacurong City police, ang suspek na si Abdul Usman. Agad na inaresto ng mga pulis ang suspek matapos siyang mamataan na lumalayo sa lugar ng insidente na may dala-dalang bag na walang laman.
Kinumpirma ng mga saksi na nakita nilang si Usman ang naglapag ng bomba.
Umamin din umano si Usman na siya ang may dala ng bombang sumabog, ani Tuzon.
Ani Tuzon, si Usman na kilal asa alyas na Obing ay miyembro ng badidong BIFM, na binuo ni dating Moro Islamic Liberation Front commander Ameril Umbra Kato. John Unson
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended