^

Balita Ngayon

Kilos protesta kontra fish ban ikinasa ng Pamalakaya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkikilos protesta ang mga grupo ng mga mangingisda sa susunod na linggo kontra sa fish ban na ipinapatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa buong karagatan ng Visayas.

Ikinasa ng Pamalakaya, kabilang ang mga chapter nito sa Eastern Visayas, Panay-Guimaras Island, Negros Island, Central Visayas at Masbate ang kilos protesta sa Miyerkules.

Kasama sa protesta ang mga grupong Fisheries Marine and Environmental Research Institute (FMERI) at ang Visayan Sea Fisherfolk Forum (VSFF).

Sinabi din ng tagapagsalita ng VSFF na si Victor Lapaz na mananagawan din sila kay Presidente Benigno Aquino III na pag-isipan ang fish ban dahil pinapatay nito ang kabuhayan ng mga mangingisda sa rehiyon.

"We urge President Benigno Simeon Aquino III to rethink this fish ban or brace himself with a highly predictable Visayan fisherfolk revolt against fish ban," ani Lapaz.

Sinimulang ipatupad ang fish ban kahapon, Nobyembre 15 at magtatapos sa Marso 2013.

Taliwas sa pahayag ng Pamalakaya, sinabi ng BFAR na makikinabang ang mga mangingisda sa fish ban dahil pagkatapos nito ay siguradong tataas ang produksyon ng mackerel at sardinas ng 20 porysento.

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CENTRAL VISAYAS

EASTERN VISAYAS

FISHERIES MARINE AND ENVIRONMENTAL RESEARCH INSTITUTE

NEGROS ISLAND

PAMALAKAYA

PANAY-GUIMARAS ISLAND

PRESIDENT BENIGNO SIMEON AQUINO

PRESIDENTE BENIGNO AQUINO

VICTOR LAPAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with