^

Balita Ngayon

LGU execs sumali rin sa pyramid scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lamang mga simpleng mamamayan ang nagpasok ng pera sa kontrobersyal na P12 bilyong pyramid scam, kundi pati ang ilang local officials, ayon kay Budget Secretary Butch Abad nitong Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Abad na sa isang panayam sa radyo, may ilang opisyal mula sa local governemnt unit (LGU) ang nauto din ng kontrobersyal na Aman Futures Group Philippines, kaya naman pinaiimbestigahan na ito ni Mar Roxas, kalihim ng Department of Interior Local Government (DILG).

Tumangging magbigay ng mga pangalan si Abad at sinabing maaaring inosente ang mga opisyal na nadale sa kontrobersyal na scam.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natutukoy kung personal na pera o pondo ng LGU na mula sa Internal Revenue Allotment (IRA).

Tiniyak ni Abad na kung mapatunayan na pera ng taumbayan ang ginamit ng mga opisyal sa paglahok sa scam ay mananagot sila.

Nag-alok umano ang Aman Futures Group Philippines ng 30 hanggang 80 porsyento ng interes kaya marami ang naengganyong sumali na umabot sa 15,000 katao.

Ilan pa nga sa mga nabiktima ay nagpatiwakal dahil sa kanilang mga nawalang pinaghirapang pera, habang ang iba ay nagkasakit.

Nabalitang nakalabas na ng bansa ang chief executive officer Manuel Amalilio na nahaharap sa kasong estafa na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ).

Samanatala, siyam na pulsi ang sinibak kahapon dahil sa pag-eescort umano sa mga tauhan ng kompanya na kinilalang sina Dennis Ceno, Roderick Luna, Martin Neil Patrick Lasaca, Quintin Pasanting, Rene Real, Leo Rey Soria, Reynaldo Bocayong, Mike Heres, at Rey Chang. AJ Bolando

ABAD

AMAN FUTURES GROUP PHILIPPINES

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DENNIS CENO

DEPARTMENT OF INTERIOR LOCAL GOVERNMENT

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

LEO REY SORIA

MANUEL AMALILIO

MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with