Tulay sa Maguindanao popondohan ng Saudi Arabia
MANILA, Philippines - Sisimulan na sa susunod na buwan ang pagpapa-gawa ng 14-kilometrong kalsada na magdidikit sa Cotabatoy City at sa timog na bahahi ng probinsya ng Maguidanao.
Ang “peace diversion artery” na nagkakahalaga sa P709.3 milyon ay popondohan ng Saudi Arabia bilang suporta sa programa ng Malacañang sa Southern Mindanao peace process.
Pinangunahan ni Maguindanao First District Rep. Sandra Sema noong Sabado ang pagsusuri sa lugar ng proyekto, kung saan tatlong mahahabang tulay ang magkukonekta sa mga iba’t-ibang barangay.
Ididikit ang Cotabato-Gen. Santos Highway sa Barangay Daiwan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ng Cotabato City.
Miyembro ang Saudi Arabia ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) na tumulong para mapag-ayos noong Setyembre 2, 1996 ang Moro National Liberation Front (MNLF) at gobyerno.
Nag-abot din ang Saudi Development Fund ng P421.6 at P420.3 milyon para sa pagpapagawa ng Lake Lanao circumferential road na magkukonekta sa Marawi City at Bayang, Lanao del Sur at Bayang hanggang Ganassi.
Magbibigay din sila ng P414.9 milyon para sa pagpapasaayos ng Basilan circumferential road na madaraanan patungong Tumahubong sa Isabela City at P415.2 million pa para sa Sumisip-Isabela City route.
Inaasahan na dahil sa peace diversion road ay mababawasan ng 30 minuto ang byahe mula sa Datu Odin Sinsuat patungong Cotabato City, ayon sa mga inhinyero ng DPWH. John Unson
- Latest
- Trending