^

Para Manalo

Tiger Queen nakatikim ng unang panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatikim ng unang opisyal na panalo ang Tiger Queen nang dominahin ang 2YO Maiden division race noong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Karvin Malapira ang hinete ng kabayo na bumangon mula sa pang-apat at pangatlong puwes-tong pagtatapos sa huling dalawang karera matapos pamunuan ang 1,400-metro distansyang karera.

Second choice ang nanalong kabayo sa bentahan at naunang nalagay ang two-year old filly sa mala-yong ikalimang puwesto. Inilabas pa ni Malapira ang kabayo para maluwag na makaremate ito at dalawang palo ng latigo ang nagpabulusok sa Tiger Queen.

Sa rekta ay kinuha na ng nanalong tambalan ang liderato bago isinantabi ang malakas ding pagdating ng Ati-Atihan na tumakbo kasama ang coupled entry Dinagyang. Ang kabayong anak ng Chancellor sa Ciudad Del Tigre ay nagpamahagi ng P7.50 sa win habang ang 8-1 forecast ay may magandang P538.50 dibidendo.

Ang Red Cloud ay kumubra ng kanyang ikalawang dikit na panalo habang nagpasiklab din ang Double Black sa dalawa pang karera na kinatampukan ng mga dalawang taong kabayo.

Si Val Dilema ang hinete pa rin ng Red Cloud na tinalo ang dehadong Con Te Partiro ni RC Tanagon sa special handicap race sa 1,400-metro distansya.

Umabot pa sa P20.00 ang ipinamahagi sa win habang nasa P129.50 ang dibidendo sa 1-10 forecast.

Ang Double Black na ibinalik kay Rodeo Fernandez ay kuminang kalaban ang Colonial Star na sakay ni JB Cordero. Patok ang Double Black sa Handicap race para magkaroon ang mga nanalig ng P6.00 sa win habang ang 8-6 forecast ay nagpasok sa P49.50.

 

ANG DOUBLE BLACK

ANG RED CLOUD

CIUDAD DEL TIGRE

COLONIAL STAR

CON TE PARTIRO

DOUBLE BLACK

RED CLOUD

RODEO FERNANDEZ

SAN LAZARO LEISURE PARK

TIGER QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with