Matutupad na ang isang pangarap dahil sa Milo Marathon
MANILA, Philippines - Ang pinapangarap na ni Mary Joy Tabal na makapagtayo ng isang running academy para makatulong sa mga batang nais sumunod sa kanyang mga yapak ay maaari nang matupad.
Nagsumite si Tabal ng tiyempong dalawang oras at 48 minuto sa women’s 24-kilometer marathon sa 37th Milo Marathon National Finals kahapon sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Bukod sa kanyang premyong P250,000 ay nakamit din ni Tabal ang bonus na P20,000 dahil sa pagbasag sa dating course record na 2:48:16 ni Jho Ann Banayag noong 2006.
“Magagamit ko na ito (premyo) sa pangarap kong magkaroon ng isang running academy sa Cebu,†sabi ni Tabal, may Masters Degree sa kursong public administration sa Southwestern University sa Cebu City.
“Gusto ko talagang makatulong sa mga kababayan ko sa Cebu na manalo rin sa mga ganitong competition, kaya naisip kong magtayo ng business na running academy.â€
Si five-time National Finals champion Eduardo ‘Vertek’ Buenavista naman ang bumandera sa men’s class sa kanyang oras na 2:27:14 kasunod sina Rene Desuyo (2:32:34) at Irineo Raquin (2:32:57) para angkinin ang premyong P150,000.
Maliban sa nasabing mga cash prizes, sina Tabal at Buenavista, isang two-time Olympic Games campaigner, ang nabigyan ng all-expense paid trip para sa 27th Paris Marathon na nakatakda sa Oktubre 6 sa susunod na taon.
“Siyempre, excited akong tumakbo sa Paris Marathon kasi first time ko lang makakasali dun, kaya gagawin ko ang lahat para manalo,†pangako ng 35-anyos na si Buenavista.
Nanalo naman sa 21K event si Immunel Camino (1:12:52) at Devine Bautista (1:42:36) sa men’s at women’s division, ayon sa pagkakasunod, habang sina Ruel Suazo (00:33:38) at Joan Jeruto (00:41:25) ang namuno sa 10K.
Sa kabuuan, 26,681 runners ang nagpartisipa sa Milo National Finals kung saan ang 21,168 dito ay tumakbo sa 5K.
- Latest