Balabal paparada nang nakabahag
NAY PYI TAW -- Siguradong mapapatingin ang lahat sa maliit ngunit palaban na Philippine de-legation sa opening cere-mony ng 27th Southeast Asian Games.
Magmamartsa ang flag-bearer na si Jason Balabal ng wrestling nang naka-bahag habang ang buong team ay magsusuot ng blue and white track suit sa pagparada sa Wunna Theikdi Stadium sa Miyerkules.
Ang 25-gulang na si Balabal, two-time gold medalist sa 84kg Greco Roman event ay tubong Cordilleras at ang pagsusuot ng bahag ay ang pagpapakita ng kanyang pagmamalaki sa kanyang kultura.
“He is a warrior, a proud member of the Ifugao race,†ani chief of mission Jeff Tamayo. “He wants to show the entire region that the Filipinos came from a clan of warriors.â€
- Latest