^

Para Manalo

EA Regen Med tangkang bumangon

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pag-iinitin uli ng baguhang EA Regen Med ang kampanya sa PBA D-League Foundation Cup sa pagharap sa Cagayan Valley ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Matapos ang magarang 83-58 pagdurog sa Hog’s Breath, lumasap ng magkasunod na talo ang Team Delta sa kamay ng Boracay Rum, 75-85, at Café France, 92-107.

Sa 1-2 karta, dapat ay mahanap ni coach Vergel Meneses ang tamang kumbinasyon upang manalo uli ang koponan para mapasama sa anim na koponan na aabante matapos ang elimination round.

Sina Ian Sangalang at Jimbo Aquino ang mga aasahan para sa Team Delta laban sa Rising Suns na pilit na babangon matapos malusutan ng Big Chill, 92-93,  sa kanilang huling laro.

Ang Superchargers ay magbabalak naman na makadalawang sunod na panalo sa 12-koponang liga sa pagharap sa Fruitas Shakers sa unang laro sa ganap na ika-2:00 ng hapon.

Nananalig si coach Robert Sison na handa na ang kanyang manlalaro na ilabas ang larong inaasahan sa kanila para makabawi matapos mapatalsik agad sa nakaraang conference.

“Maraming natutunan ang mga players sa mga naunang talo namin kaya’t naniniwala akong hindi na magbabago ang kanilang laro,” wika ni Sison.

Galing naman sa paglasap ng unang pagkatalo matapos ang tatlong sunod na panalo ang Fruitas kaya’t sukatan ng determinasyon ito para kay coach Nash Racela.

May 3-1 baraha ang koponan at mananatili sila sa solo ikalawang puwesto kung mananalo pero isusuko ang hawak na puwesto kung matatalo sa Big Chill.

vuukle comment

ANG SUPERCHARGERS

BIG CHILL

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRUITAS SHAKERS

JIMBO AQUINO

NASH RACELA

PASIG CITY

TEAM DELTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with