Takot lumabas sa comfort zone
Sa kabila ng negatibong connotation, ang takot ay hindi laging masama. Ang totoo ay maraming pagkakataon na ang malakas na kutob o instinct ay mabilis na nagpapalayo sa atin sa panganib. Tulad ng mga buwis buhay na sitwasyon.
Marami sa ating ang humaharap sa iba’t ibang level na higit pa sa routine basis. Dahil sa takot ay biglaang napipilitan na mag-isip sa labas ng ating comfort zone at safe zone. Kapag natutunan na makalampas sa komportableng sitwasyon ay saka nagbubukas ang bagong mga pinto at posibilidad.
Marami sa atin ay hindi kayang ma-imagine man lang na ‘di ma-miss na magagawa ang mga nakasanayang activities, information, pagkakataon, at ibang bagay. Ang resulta ay nahihirapan na maka-catch up, mapansin, at makapiling ang mahal sa buhay dahil nga sa takot na ma-miss ang mga maraming bagay.
Ang tendency ay napapasobra ang commitment kaya panay ang check ng email, messenger, ang pagsilip sa social feeds, at pag-like sa bawat nakikitang views sa iyong Facebook account.
Ang solusyon ay huwag masyadong mag-worry kundi habang may pagkakataon ay matutong i-appreciate ang lahat ng bagay na nasa paligid at pati ang mga taong nakasasalamuha. Ang malalaking picture man o maliit na picture, at lahat ng detalye na puwedeng magcontribute sa mga moment na kasama ang pamilya at ibang mahal sa buhay. Hindi madali, minsan ay kailangan lang ng practice, para hindi masyadong matakot na baka mayroong ma-miss na pagkakataon.
- Latest