Kalinisan sa tahanan
Biglang naging health conscious ang mga tao dahil sa banta ng coronavirus. Ang isang paraan upang maiwasan ang pagkakasakit ay walang iba kundi maging malinis sa katawan at maging sa paligid.
Habang quarantine ang buong pamilya mas lalong dapat magkaroon ng effort na i-sanitize ang ating kabahayan.
Ang payo ng mga experts ay hindi na kailangang maging masusi pa ang paglilinis. Bago gawin ang paglilinis ay walisin muna ang paligid.
Simpleng gamitin lamang ang basahan, tubig, at patakan ng bleach. Saka ipangpunas sa bawat sulok ng ating bahay. Mula kusina, banyo, kuwarto, pader, bintana, at lalo na ang hawakan ng mga pinto.
Huwag gumamit ng bleach na matapang ang amoy dahil sa masakit ito sa ilong at ulo.
Sapat na ang isang patak ng bleach upang mabisang mapatay ang mga germs, bacteria, at virus. Gawin din ang paglilinis maya’t maya na hindi masama. Lalo’t kumpleto nga ang mga anak at asawa sa bahay.
Upang kampante na kumilos ang mga pamilya na hindi nangangamba ang magulang sa banta ng COVID-19.
- Latest