^

Para Malibang

Bawasan ang negativity

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Hindi maiiwasan na napapaligiran tayo ng negativity lalo na sa banta ng coronavirus. Nagpapasama pa sa mga naririnig na boses sa ating isipan gaya ng negative self-talk. Ganundin ang mga hindi updated na negatibong messages na tuwing ibinabaling ang ating atensyon sa balita, social media, at kahit ang tsismis ay hindi  nagpapahupa ng takot o panic.

Ang siste pa, ang tao ay mas gustong makinig sa negative content. Kahit physiologically  ay active sa negang impormasyon kaysa sa positibong balita.

Ang kaso ang negativity ay nagpapalimita sa ating mga potential na nagkakaroon din ng epekto sa ating kalusugan.

Sa research, ang taong patuloy na inuulan ng negative energy na karanasan ay mas maraming stress, mas nagkakasakit, at nababawasan ang oportunidad  sa mga positibong posibilidad.

Hindi naman totally ay mawawala ang negativity, pero may mga tips para hindi maharangan ang positibong vibes.

Una ay kailangang laging magpasalamat. Sa pag-practice ng regular na gratitude at ma-appreciate ang lahat ng mga bagay na mayroon tayo sa buhay, mula bubong ng ating bahay sa ibabaw ng ating ulo hanggang sa mga maliliit na items gaya ng kotse na mayroon tayo.

Ang lahat ng negatibong ugali gaya ng pagiging makasarili ay nababawasan. Ang totoo, marami tayong natatanggap na bagay na hindi naman natin deserve. Ang malas ay hindi pa tayo marunong magpasalamat sa mga blessings na mayroon tayo. Nauuna ang reklamo, pagiging bitter, at pag-iisip ng negatibo. Para mabawasan ang negative sa paligid ay simulan sa sarili na magpasalamat sa anomang nangyayari sa ating buhay.

NEGATIVITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with